ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilegal na droga, naitatawid ng mga PUV sa mga lalawigan ng Bicol — PDEA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

LEGAZPI CITY, ALBAY – Nanawagan ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tutukan ng mga transport organization sa rehiyon ang paglawak ng drug trade gamit ang mga pampublikong transportasyon. Nais nilang tuldukan ito bunsod na rin sa intelligence reports na naitatawid sa mga public utility vehicle (PUVs) ang kilo-kilong mga drugs tulad ng shabu papunta sa mga kalapit na lalawigan. Ang mga sasakyang ito ay bibihirang harangin sa checkpoints kaya naisipan umano ng mga drug dealers na gamitin itong paraan sa kanilang ilegal na operasyon. Ayon kay Archie Grande, Regional Director ng PDEA sa Bicol, pupulungin nila ang iba't ibang grupo at organisasyon ng transport sa buong rehiyon upang ipagbigay-alam ang nangyayaring ito. Iba-iba umano ang paraan ng pag-areglo sa ipinapadalang kontrabando, tulad ng paglalagay ng shabu o cocaine sa mga kapsula ng gamot o kaya naman ipinapasok ito sa mga cake. Inilantad ng PDEA-Bicol na ang illegal drugs na umiikot ngayon sa Bicol ay nagmumula sa katagalugan. Nangako naman ang ilan sa mga sector ng transport na makikipag tulungan sila sa PDEA. — BM, GMA News