ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga Muslim sa Cebu, ikinalungkot ang nangyayari sa Sabah
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ikinalungkot ng Muslim community sa lungsod ng Cebu ang nangyayaring kaguluhan sa pinag-aagawang teritoryo sa Sabah sa Malaysia na nauwi na sa madugong sagupaan. Sa kabila ng pagsiklab ng kaguluhan, nanawagan pa rin sila sa pamahalaan ng Malaysia at Sultan ng Sulu na patuloy na umaangkin sa Sabah na makahanap ng mapayapang solusyon sa problema. Suportado naman daw ng ilang Muslim sa lungsod ang paninindigan ng gobyerno kaugnay sa usapin ng Sabah. “Kahit anong tribu na nandito sa Cebu, ang sa amin lang sana payapa ang paninirahan namin dito kaya nagkaisa kaming magdasal," ayon kay Imam Aladdin Ubpon. "Siyempre mga kapatid, mga kadugo namin 'yan, magdadasal kaming masolusyonan na ang problema," dagdag pa niya. -- Alan Domingo/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular