ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Showbiz hunks Alden, Mikael, Daniel, at Joseph, ano nga ba ang katangiang hanap sa babae?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa matipunong pangangatawan at kakisigan, natural lang na pagkaguluhan ng mga babae ang mga Cosmo hunks na sina Alden Richards, Mikael Daez, Daniel Matsunaga, at Joseph Marco. Ngunit ano nga ba ang hinahanap nila sa babaeng bibihag sa kanilang puso? Sa idinaos na "Ooh La Love: A Night of Camay Attraction with the Cosmo Hunks" na ginanap kamakailan sa Republiq Club, Resorts World, Manila, inalam ng GMA News Online sa apat na aktor kung anong tipo ng babae ang kanilang hinahanap. Alden Richards Patuloy ang pagsikat ng aktor na si Alden Richards mula nang bumida sa teleseryeng "One True Love" kasama ang katambal na si Louise delos Reyes. Sa ngayon, nakatuon daw ang atensyon ng aktor sa kanyang showbiz career. Ngunit sa kabila nito, patuloy naman siyang nauugnay sa ilang personalidad katulad ng young actress-singer na si Julie Anne San Jose. Ayon pa sa kanya, "I'm not saying it's not true but we're close [Julie Anne], we're really close. It's not showbiz or anything. But we're really close, she's one of the girls that I'm really close with." Kwento pa ni Alden, mahilig daw siya sa babaeng morena at may mahabang itim na buhok dahil gusto niya ang Pinay na Pinay na katangian. Bukod pa diyan ang babaeng mahusay kausap. "A good conversationalist and something na we can talk about anything under the sun... no limits," paliwanag ni Alden. Kaya naman kapag nahanap na raw niya ang babaeng ito, gumagawa raw siya ng paraan upang makausap ito. "I talk to her as much as I can and I want to be around her as much as possible. At saka, 'yon I want to see her most of the time," paglalahad ng aktor.

Daniel Matsunaga Aminado ang Brazilian-Japanese model at aktor na si Daniel Matsunaga na mahilig siya sa babaeng marunong magdala ng sarili at mahusay kausap. "What attracts me in a girl is the way, for sure, the way she carries herself, the way she dresses herself, the way she smiles, and the way she talks, you know, the way she communicates with me. Everything combined is really good," aniya. Malakas din ang dating ng babae para kay Daniel na may magandang legs at kung magkakaroon kaagad sila ng koneksiyon kahit sa tingin pa lang. "Legs, smooth legs and also the way a girl looks at me, (if) she has this connection to me, and also the way she dresses herself," paliwanag niya. Ayaw naman daw nito sa babaeng hindi malinis sa pangangatawan. "Well... naku, okay, would be a girl who's hairy, who doesn't smell nice, 'yon. That turns me off. And a girl who doesn't brush her teeth," natatawa niyang paglalarawan. At ano naman kaya ang gagawin niya kapag nakita na ang babaeng natipuhan? "Well, first thing I do is try to approach her and ask for her name, and, well, talk about things, about life and everything—I have to know her better," tugon ni Daniel. "And maybe, ask her to go out or go somewhere, a restaurant or something romantic between the two of us only. Not in public not so much the first day already, you know, I really like to know the person well before having a date," dagdag niya. Nakatuon daw ang atensiyon ni Daniel sa kanyang trabaho kaya nananatili pa rin daw siyang single mula nang maghiwalay sila ng dating nobya na si Heart Evangelista. "I've been single for more than 10 months already and I'm really enjoying my life. I'm enjoying my friends, I'm enjoying my family and everything I'm doing right now, my work and I'm really focusing on my work, my Tagalog, and lahat ng workshops ko," saad niya. At bagaman nauugnay sa aktres at TV host na si Kris Aquino, naghihintay pa rin daw si Daniel ng pagkakataon na mahanap ang babaeng para sa kanya. "I believe that there's always a right time, there's always a right person for you to be with. So, I can't wait for that," sambit ng actor-model. Joseph Marco Responsable, may positive outlook at adventurous naman ang mga katangian ng babae na hinahanap ni Joseph Marco. "For personality siyempre gusto ko 'yong responsible, someone who has positive outlook in life and 'yong adventurous in a way. Physically mahilig ako sa magandang ngipin, nice set of teeth and nice smile," ayon sa young actor. Ayaw naman niya sa babaeng mapagpanggap at hindi marunong mag-alaga ng kanyang sarili. Pagdiin niya, "I'm very particular when it comes to hygiene. So, 'yon nga, para sa'kin kasi 'yon yung nagde-describe kung paano niya inaalagaan 'yong sarili niya. Kung mabango siya it means, inaalagaan niya 'yong sarili niya." Kinakausap din umano niya ang babae lalo kapag may nararamdaman siya para dito. "Casually lang siyempre sa umpisa, and then, kapag things turn out good, di ba, doon na dadating 'yong texting and yon keeping in touch with her," paliwanag ni Joseph. Kahit nakatutok sa career, hindi raw niya isinasara ang pinto pagdating ng tamang babae na talagang magugustuhan niya. "I don't know if hindi ko pa siya nahanap o baka nandiyan lang siya, kasi right now I'm really focusing on my career. But I'm not closing my doors right now, if anything happens, kung madevelop man doon sa girl na yon, we'll see," pahayag ng aktor na nauugnay sa young actress na si Empress Schuck. Mikael Daez Hindi pa naman daw nakikilala sa ngayon ng Kapuso actor na si Mikael Daez ang right girl na para sa kanya. "I don't think I found the girl. So, if that girl is out there why don't you, come up and say hi because I'm having a hard time looking for her," sambit nito. Ano nga ba ang katangian ng babae na hinahanap niya? "When I'm dating someone, I like hugging her, holding her hand, and I'm really not ashamed to doing those things," sagot nito. Dagdag pa niya, "So, I guess what would attract me is a girl who's also that way, and you know it's a big bonus if your skin is nice and soft. Why not, di ba? So, those are big pluses and you know it's great when you hug a girl she's all soft, cuddly, and everything... that's great." Gusto rin umano ng aktor ang babaeng "fresh looking" na tila laging bagong paligo. Pero ayaw naman daw niya sa babaeng hindi rin marunong mag-alaga sa sarili. "I guess a girl who doesn't take care of herself kasi it's different, eh. When people say they take care of themselves, you don't need to be in the spa all the time, over naman 'yon. What I mean by that is parang inaalagaan lang niya 'yong sarili niya, she respects her body, she takes care of it," paliwanag ni Mikael. "She takes a shower, so, if you don't take care of your body parang wala kang pakialam to the point na nakaka-degrade na or ewan. That's kind of a turn off for me," dagdag niya. Aminado naman siya na gagawa siya ng paraan sa tulong ng kaibigan kapag may babaeng nakatawag ng kanyang pansin. "If I'm feeling shy, I'll let a common friend introduce me to her. If not then I'll try to make some sort of conversation with her," pag-amin ni Mikael. - FRJ, GMA News