ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Semirara mining, sarado pa rin kasunod ng trahedya noong Febrero


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nananatiling pa ring nakahinto ang operasyon ng Semirara Mining Corp. matapos ang trahedya na ikinamatay ng lima katao, habang limang iba pa ang pinaghahanap hanggang sa ngayon. Ipinatigil muna ang operasyon habang iniimbestigahan pa ng Department of Energy ang nagyaring pagguho ng pader ng minahan ng coal sa bayan ng Caluya, Semirara Island, noong ika-13 ng Pebrero. Ayon kay Caluya vice mayor Diosdado Egina, hindi inaprubahan ng sangguniang bayan ang hiniling ng mining company na ensdorsement mula sa local government para payagan ng DOE ang pagbubukas muli ng minahan. Nauna nang hiniling ng kumpanya sa sangguniang bayan na payagang makapasok sa mining pit ang mga heavy equipment upang gamitin sa pag-ayos ng gumuho na pader ng Panian Pit.  Dahil sa pasya ng lokal na pamhalaan, nananatili pa rin umanong naka-tengga ang mga heavy equipment at hindi rin magagamit sa pagpapatuloy na search operation sa nawawawala pang ibang minero.  — Peter Zaldivar /Ratsada, GMA News Iloilo