GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy
»
Sabah Conflict

DFA chief, inako ang responsibilidad sa 'nawawalang' liham ni Kiram

March 6, 2013 4:06pm
DFA Sec. del Rosario flies to Malaysia to help ease Sabah tension
DFA Sec. del Rosario flies to Malaysia to help ease Sabah tension. At the NAIA on Monday, Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario boards a plane for Malaysia for a meeting with top Malaysian officials over the Sabah crisis. Ariel Fernandez
Inako ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang responsibilidad sa umano'y pagkawala ng liham ng kampo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III kay Pangulong Benigno Aquino III tungkol sa pag-angkin ng sultanato sa Sabah.

“Since years later the so-called missing letter was found in the DFA... under the principle of command responsibility, the buck stops with me,” ani Del Rosario sa GMA News Online sa isang text message.

“I take full responsibility and will convey my deepest apologies to the Kiram family for our inadvertence," dagdag niya.

Sa isang pahayag sa kanilang website nitong Miyerkules, sinabi rin ng DFA na napag-alaman nilang sa kanila ipinasa ang liham.

Nakasaad umano sa liham ang paghiling kay Pangulong Aquino na makasali ang sultanato sa mga pag-uusap para sa kapayapaan sa Mindanao, sa tulong ng Malaysian.

Nauna nang inamin ni Aquino na nawala ang liham ni Kiram dahil sa "bureaucratic maze."

Gayunpaman, inihayag niya noong Peb. 25 na ang sulat ay ipinadala sa kanya mula sa sultan sa pamamagitan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Ayon sa kanya, kasisimula lamang ng kanyang administrasyon... we were at the "very first weeks of my term, when we were organizing the government."

"Let me say to Sultan Jamalul Kiram III: I have just been made aware that a letter to me, from you, was sent through OPAPP in the very first weeks of my term, when we were organizing the government. Unfortunately, this letter was lost in the bureaucratic maze. Let me make clear that there was no intention to ignore your letter. Knowing this now, will you let your mistaken belief dictate your course of action?" ani Aquino noong mga panahong iyon.

Ang liham ni Raja Muda Agbimuddin Kiram, kapatid ng Sulu Sultan, ay may petsang Hunyo 28, 2010, dalawang araw bago umupo bilang Pangulo si Aquino.

Umabot sa halos tatlong linggo ang girian sa pagitan ng mga tagasunod ni Kiram at mga owtoridad ng Malaysia bago maganap ang madugong engkwentro noong Marso 1 at 2.

Noong Martes, inatake ng Malaysian security forces ang lugar na pinaniniwalaang kinaroroonan ng mga tagasunod ni Kiram.

Samantala, ayon sa DFA, umapela na ang Philippine Embassy sa Kuala Lumpur sa mga Pilipino sa Sabah na "huminahon at sumunod sa payo ng local authorities."

Dagdag nito, nananatiling matibay pa rin ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia at ipagpapatuloy pa rin ng dalawang bansa ang pagpapabuti ng kanilang bilateral relations.

"The Secretary believes that a close cooperation between the two countries is necessary for dealing with the challenges presented by the current issue," ayon sa statement. Amanda Fernandez /LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus