ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Naga-dventure sa 'Biyahe ni Drew' ngayong Biyernes
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BIYAHE NI DREW: NAGA CITY
Biyernes, March 8, 10-11pm sa GMA News TV
Sa susunod na Biyahe ni Drew sa Naga City, bubusugin ni veteran traveler Drew Arellano ang sarili niya sa pagkain, adventure at sightseeing!
Ang Naga City ang tinaguriang Heart of Bicolandia. Kahit na maliit na bayan lang ito, sulit na sulit ang 8-hour land travel mo sa dami ng makikita at mararanasan mo rito. Kung may budget ka, pwede ka rin namang mag-eroplano, lalo na kung may matitiyempuhan kang promo rates sa paborito mong airline.
Siyempre, pagdating na pagdating, check-in agad sa hotel. Suki na si Drew sa Avenue Plaza Hotel kaya kahit may kamahalan ang mga kwarto, worth it naman dahil sa mga amenities. Pero kung mas budget-friendly ang hanap mong accommodations, marami namang makikita sa Naga City ranging from 400-600 pesos a night.
Kilala bilang isang pilgrimage destination ang Naga dahil sa dami ng mga lumang simbahan dito. Unang bibisitahin ni Drew ang sikat na Basilica ng Penafrancia kung saan makikita si Ina, ang Our Lady of Penafrancia na patron ng mga taga-Naga. Sa loob ng basilica, pwede ring silipin ang isang museum. For 45 pesos, makikita mo na ang ecclesiastical at archeological exhibits na nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng Naga.
For a little taste of farm life naman, bibisitahin ni Drew ang Hacienda de Naga kung saan siya mamimitas ng world-famous Pili nuts. And to complete his Naga visit, hindi palalampasin ni Drew ang katakam-takam na luto ni Chef Doy. Ang maganda, pwede ka ring matutong magluto ng Bicolano food sa kaniyang half-day cooking classes for only 2,400 pesos—kasama na riyan ang ingredients, materials at siyempre, the all-important apron.Pero kung gusto mo naman ng pagkaing mas masa ang dating, punta ka lang sa Plaza Rizal. Dito, pwede mong tikman ang iba’t ibang streetfood na may Bicolano touch, tulad ng Bulastog at Kinalas.
Sa dami nang napuntahan ni Drew sa Naga, iisa lang ang laging tumatatak sa kaniya:

“Maraming nagsasabi… ‘yun ang gusto nilang balikan sa Naga. Welcome daw sila pag pumupunta dito, warm daw (talaga) ang mga tao.”
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular