GMA News Online
Showbiz

Aerosmith, kumpirmadong magko-concert sa Manila sa May 8

March 6, 2013 8:59pm

Tags: Aerosmith
Tiyak na ang pagtatanghal sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon ng American rock band na Aerosmith sa darating na Mayo 8.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing gaganapin ang concert ng Aerosmith sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ilan sa mga sikat na kanta ng Aerosmith na pinangungunahan ng dating American Idol judge na si Steven Tyler ay ang I Don't Want to Miss a Thing, Cryin, Crazy, Amazing at Walk This Way.

Sa official website ng grupo, nakasaad na magtutungo ang Aerosmith sa Pilipinas matapos ang kanilang concert sa Australia. Pagkatapos naman ng kanilang concert sa Manila, sunod nilang pupuntahan ang Indonesia. - FRJ, GMA News

Tags: Aerosmith