GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy
»
Sabah Conflict

Pagdaong ng humanitarian ship sa Sabah, patuloy na hinihiling ng PHL

March 7, 2013 12:30am
Medical units deployed to Sabah battleground
Medical units deployed to Sabah battleground . A convoy of ambulances drive toward Tanduo village on Tuesday where the standoff with Sulu gunmen and Malaysian security forces was taking place. Malaysian security forces launched an assault on March 5 to clear out the armed Filipinos engaged in a three-week incursion into Sabah that has left 27 people dead. AFP/Mohd Rasfan
Patuloy na umaapela ang Pilipinas sa Malaysia na payagang makadaong sa Sabah ang humanitarian ship na ipinadala doon upang umayuda ang mga inosenteng sibilyan at gamutin ang mga nasugatan sa nagaganap na labanan ng Malaysian security forces at ang mga tagasunod ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.
 
Ilang araw nang naghihintay ang barko ng Pilipinas na makalapit sa Sabah na unang ipinadala doon para sunduin ang mga babae at mga bata na naipit sa kaguluhan.
 
“We continue to make those appeals. We have made again several requests for full access, to give consular assistance, to treat the wounded, to have our ships come in,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa isang news briefing.
 
Ayon kay Valte, nangangamba ang Malaysia sa posibleng security concerns kapag dumaong doon ang barko ng Pilipinas.
 
“We are still waiting for word on what the reply to those appeals are. To my knowledge, until now they are still being considered in light of the security situation,” ani Valte.
 
Nang tanungin kung ang pagtanggi ng Malaysia sa kahilingan ng Pilipinas ay pahiwatig sa pagbabago ng relasyon ng dalawang bansa, nilinaw ni Valte na: "We did not ask for the ship to dock at the beginning of this. We had asked for that, I think, a good two weeks after."
 
Patuloy niya, "And remember, on the side of the Philippine government and on the side of the Malaysian government, in those two weeks before the incident happened, we had been continuously appealing for a peaceful resolution."
 
Samantala, ipinagtanggol ni Valte si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, at iginiit na hindi nito tinawag na terorista ang mga Pilipinong nasa Lahad Datu.
 
“Kinlaro po 'yan ni Secretary del Rosario kanina. And the DFA has already issued a statement that particular statement was taken out of context. The Secretary of Foreign Affairs did not call the people in Lahad Datu terrorists. Let’s make that clear. He did not make that statement,” ani Valte.
 
“Ang konteksto po ‘nung pag-uusap nila ay meron daw po kasing nakuhang report yung Malaysian Foreign Minister tungkol doon sa nangyari sa Semporna. At meron nga daw pong mga Malaysian police na napatay doon at the bodies were apparently mutilated and desecrated. Those acts of mutilation and desecration of the bodies where referred to as terroristic acts. Hindi po sila tinawag na terorista ni Secretary del Rosario,” paliwanag ni Valte. -- Mandy Fernandez/FRJ, GMA News