GMA News Online
Public Affairs
»
Kandidato
»
Eleksyon 2013

Kandidato

Richard Gordon, JV Estrada at Bam Aquino sa 'Kandidato 2013: Senador' 

March 7, 2013 7:22pm
KANDIDATO 2013: SENADOR
Airing Date: March 7, 2013

Ngayong Huwebes ng gabi sa GMA 7 sina Rep. JV Ejercito, Dick Gordon at Bam Aquino naman ang sasabak sa matinding pagtatanong nina Arnold Clavio at Malou Mangahas sa KANDIDATO 2013: SENADOR.  
 
Sandaling namahinga sa pulitika si Richard "Dick" Gordon nang matalo siya sa Presidential Elections noong 2010. Kaya naman mas pinagtuunan niya ng pansin ang Philippine Red Cross, kung saan siya ang national chairman. Pero sa kanyang pangangampanya, hindi kaya nagagamit niya rin ang pondo ng ahensya? Kumusta nga ba si Gordon bilang isang boss at bakit ba ang tingin sa kaniya ay arogante?
 
Samantala si Joseph Victor "JV" Ejercito Estrada, tama bang sabihing anino lang siya ng kanyang ama? Ipapaliwanag ni JV kung anong klaseng relasyon meron sila ng kaniyang “Kuya” Jinggoy at kung sino na ba sa kanilang dalawa ang mas paborito ng kanilang ama.
 
Siya nga ba ang paboritong anak ni dating Pangulong Estrada? Kumusta naman ang relasyon niya sa kapatid na si Sen. Jinggoy? Bakit kaya imbes na sa San Juan, sa ibang probinsya niya ibinigay ang P2.5 million pesos na bahagi ng kanyang PDAF. Paraan nga ba ito para makakuha ng suporta sa ibang bayan ngayong nalalapit na ang eleksyon?
 
Sinagot din ang maiinit na isyu ng isa sa pinakabatang kandidato sa pagka-Senador na si Bam Aquino. Bilang youth leader, ano ang kanyang posisyon sa Juvenile Justice Law? Bentahe nga ba ang pagiging magpinsan nila ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang kandidatura? Handa ba siyang manindigan sa kanyang mga desisyon at panukalang isusulong sakaling maupo sa? 
 
Samahan sina Arnold Clavio at Malou Mangahas na kilatisin ang mga kandidato sa pagka-senador. Huwag palampasin ang KANDIDATO 2013: SENADOR ngayong Huwebes, ika-7 ng Marso pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Kandidato on Facebook
Kandidato on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement