ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hindi bababa sa 10 bata sa Laoag City, nagka-sore eyes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Habang tumitindi ang init ng panahon, dumadami rin ang mga tinatamaan ng sore eyes. Sa Laoag City, Ilocos Sur, hindi bababa sa 10 bata ang tinamaan ng nasabing sakit sa mata. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing nasa isa hanggang limang taong gulang ang mga pasyenteng may sore eyes ang dinala sa ospital para maipagamot. Dumadami umano ang nagkaka-sore eyes dahil sa pag-init ng panahon at sa airborne virus ang pinagmumulan ng nasabing sakit. Mahigpit na payo ng mga duktor, dapat maging malinis sa katawan para hindi mahawa o makahawa. Kung magkaka-sore eyes, pinakamabuti umano ang magpatingin sa duktor at huwag maniwala sa mga kasabihan tungkol sa paraan para gumaling gaya ng pagpatak ng gatas ng ina o ihi sa apektadong mata. "Iwasang gawin ang practice na 'yon na paglagay ng ihi dun sa mata, mali 'yon. Hindi talaga advisable lalong-lalo 'yon (ihi),"  payo ni Dr Reynaldo Lazo, ng Laoag City General Hospital. Makabubuti umano sa matang may sore eyes na lagi itong hugasan o ibabad ng ilang minuto sa malinis na tubig. Sa halip na panyo o bimbo ang gamitin na pamunas sa mata, mas makabubuti rin umano kung tissue ang gagamitin at pagkatapos ay itapon din kaagad.-- FRJ, GMA News

Tags: eyes, soreeyes