ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
FilAm contestant sa American Idol, bigong makasama sa Top 10
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nabigo ang Filipino-American na si Adriana Latonio na makasama sa Top 10 ng sikat na US singing contest na "American Idol." Si Latonio ang natira sa tatlong may dugong Pinoy na nakapasa sa audition ngayong Season 12 ng American Idol. Naunang naalis sina Jett Hermano at Bryant Tadeo. Sa nakaraang performance night, hindi lubos na napabilib ni Latonio ang mga judge na sina Keith Urban, Mariah Carey, Nicki Minaj at Randy Jackson nang awitin niya ang “Stand Up For Love” ng Destiny’s Child. Sa kabila nito, ikinagulat pa rin umano ni Keith na hindi naiboto ng mga manonood si Latonio para makasama sa Top 10, ayon sa ulat ng GMA news Saksi. Sa nakaraang season ng AI, naging runner-up ang may dugong Pinoy na si Jessica Sanchez. - FRJ, GMA News
Tags: americanidol
More Videos
Most Popular