ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ahente ng pekeng insurance, isinumbong sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Imbestigador
Mga sumbong na inaksyunan ng nag-iisang Sumbungan ng Bayan

Airing Date: Marrch 10, 2013

WATERSHED FOR SALE

Isang samahan na pasimuno umano sa bentahan ng lupa, nagbibigay pag-asa sa ilang mamamayan ng lalawigan ng Rizal na magkaroon ng pagtatayuan ng kanilang tahanan. Maganda sanang pakinggan – pero iligal ang bentahan! Ang lupa kasi kasama sa itinuturing na protected area sa ilalim ng Presidential Proclamantion 585. Bahagi pala ito ng watershed ng lungsod ng Antipolo. Kaya naman umalma na ang mga residente nang walang maibigay na titulo ang inirereklamong grupo sa lupang kailan ma'y hindi pala talaga matitituluhan!

KALOKOHANG INSURANCE

Insurance ba 'ka mo? Sa kagustuhang makasigurado sa kaligtasan at posibleng kapahamakan, usong uso ang pagkuha ng insurance para mapaghandaan ang anumang hindi inaasahang gastos.

Ang isang nagmamay-ari ng mga pampasadang PUVs, hindi nagpahuli sa pagkuha ng insurance para sa tatlo niyang sasakyang pampasada.

Pero reklamo niya sa Imbestigador, peke raw ang ahenteng kausap niya. Hindi pala ito kunektado sa mga kumpanyang ibinibida niya. Ang insurance na inasahan para makasiguro, sanhi pa tuloy ng kawalan.

Paano nga ba maiiwasang maloko ng mga tila pusong bato? Alamin ngayong Linggo ng gabi sa Imbestigador sa GMA 7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.