Komunikasyon nina Lian Paz at Paolo Contis, nabuksan sa tulong ni Manny Pacquiao
Ipinaalam ni Lian Paz na nag-uusap na silang muli ng kanyang dating mister na si Paolo Contis. Hindi man sila tuluyang nagkabalikan, sinabi ng dating Eat Bulaga! dancer, na mas maganda na ngayon ang komunikasyon nila ng aktor. Sa panayam ng Startalk TX nitong Sabado, sinabi ni Lian, dating miyembro ng dance group na 'EB Babes' ng Eat Bulaga, na dumaan sila sa councelling ni Paolo sa tulong ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. "Si sir Manny yung talagang kumausap sa amin, talagang paulit ulit pa siya...talagang pinapamukha pa niya na mag-asawa kayo, anong nangyayari sa inyo," natatawang kwento ni Lian. "So far ngayon nakakausap ko na siya, mas ok yung pag -uusap namin regarding with the kids. So much better kaysa sa dati," dagdag pa niya. Basahin: Lian Paz isiniwalat na ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Paolo Contis Nang tanungin kung may pag-asa pang magkabalikan sila ng aktor, sinabi ni Lian na hindi lang siya ang makakapagdesisyon sa bagay na iyon. "Mahirap ipilit yung isang bagay na hilaw pa. Marami kayong pinagdaanan na mahirap at sobrang sakit so maybe one step at a time," ayon kay Lian. Matapos naibsan ang dating galit, sinabi nito na nananatili ang respeto niya kay Paolo at bilang ama ng dalawa nilang anak. Basahin: Paolo Contis breaks silence about separation from Lian Paz New love? Samantala, ipinaliwanag naman ni Lian na kaibigan niya noong pang nag-aaral siya sa Cebu ang lalaking nakita sa larawan na humahalik sa kanyang poster. Ang nasabing lalaki ay basketball player sa Cebu. "Nagkita lang kami ulit, you know kinda rekindle the friendship. Ganun lang so 'wag nating bigyan ng malisya," pakiusap ni Lian, sabay sabing hindi pa siya ready na pumasok sa panibagong relasyon. Idinagdag niya na malalaman din naman kapag nagkaroon siya ng bagong karelasyon at magpapaalam siya kay Paolo. "Siyempre first na kakausapin ko si Pao(lo) 'di ba... Ako at least magpapaalam, siya nga hindi nagpaalam," natatawang sambit ni Lian. - FRJimenez, GMA News