ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hinihinalang biktima ng salvaging, nakita sa isang kalsada sa Badoc, Ilocos Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na may tama ng bala sa katawan ang nakita ng ilang residente sa barangay Paltit, Badoc, Ilocos Norte. Nakita nitong nakaraang Linggo sa gilid ng kalsada ang biktima na nakadapa, duguan at may tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang pinatay sa ibang lugar at itinapon lang ang bangkay sa nabanggit na barangay. Malayo sa mga kabahayan ang lugar kung saan nakita ang bangkay kaya walang nakapansin kung sino ang nagtapon sa biktima na hindi umano residente ng Badoc. Ang biktima ay tinatayang nasa edad 30 pataas, naka-suot ng berdeng t-shirt at maong na short pant. Pansamantalang inilagak ang mga labi ng biktima sa isang punerarya sa Sinait, Ilocos Sur. -- JELabiano/FRJ, GMA News