ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jose at Wally, may sorpresa kay Ryzza Mae Dizon sa kanilang concert sa Biyernes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa tawanan at kantahan, dapat abangan sa concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Araneta sa Biyernes ang kanilang sorpresa sa kanilang guest na si Ryzza Mae Dizon. "Mayroon kaming surprise sa kanya na talagang hindi niya makakalimutan," pahayag ni Jose sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes. Siniguro rin nina Jose at Wally na kakaiba ang kanilang concert sa Biyernes kumpara sa naunang pagtatanghal na ginawa nila sa Big Dome. "Hindi po ito ulit nang ginawa namin sa unang concert. Ito po'y kakaiba," pagtiyak ni Wally. Kuwento nila, hindi sila mawawala sa stage sa buong concert kahit kailanganin nilang magbihis. Kung papaano nila ito gagawin, kasama umano ito sa mga dapat abangan ng mga manonood. "Ayaw lang naming maputol yung saya ng tao na nandun kami sa ibabaw... kasi po lahat ng magiging guests sigurong kasama po kami," ayon kay Jose Bukod kay Ryzza, guests sa concert sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano. Pero kung ang child star na si Ryzza ang tatanungin: "Concert ko po, ang mga guest ko ay sina Tito Jose at Tito Wally, March 15 po." -- FRJimenez, GMA News