ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang estudyante, nagprotesta sa CHED office sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang estudyante mula sa ibat-ibang colleges and universities sa Davao City ang nagsagawa ng demostrasyon sa harapan ng tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED)  para iprotesta ang umano'y patuloy na pagtaas ng singil sa matrikula. Sinunog ng mga estudyante ang tarpaulin na nagpapakita ng sagisag ng CHED bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa planong pagtaas muli ng matrikula sa susunod na pasukan. Sa Davao city, halos lahat ng mga paaralan ang magtataas ng kanilang singil sa matrikula, habang tig-tatlo naman sa Davao del Sur at Davao del Norte, at isa sa Compostela Valley. Ipinaliwanag naman CHED na kailangan munang magsumite ng consultation at compliance report bago dumating ang Abril 1 ang mga eskwelahan bago aprubahan ang aplikasyon sa kanilang tuition hike. Para sa mga mag-aaral, karagdagang pasanin sa kanilang mga magulang ang anumang dagdag na singil sa matrikula. -- Donna Timbal-Senajon/FRJ, GMA News