GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy
»
Pope Francis

Bagong Santo Papa, mula sa Argentina, may puso para sa mahihirap

March 14, 2013 1:56pm
Sa ikatlong pagkakataon, puting usok na ang nasaksihang lumabas mula sa chimney ng Sistine Chapel nitong Huwebes ng umaga (oras sa Pilipinas), hudyat na nakapili na ang conclave, o kalipunanan ng mga kardinal, ng bagog tagapamuno ng Simbahang Katolika.

Si Jorge Bergoglio mula sa Argentina ang napiling papalit kay Pope Emiritus Benedict XVI, na nagbitiw noong nakaraang buwan.

Kilala ang kauna-unahang Latin American pope sa kanyang husay sa pakipagnegosasyon at kahandaan niyang hamunin ang mga malalakas sa lipunan para ipagtanggol ang mga mahihirap.

Simple lamang siya na nagmumula sa middle class na pamilya at sumasakay lamang sa bus sa tuwing siya ay maglalakbay.

Ayon sa tagasulat ng kanyang talambuhay (biographer), tahimik lamang si Bergoglio, 76, at malakas ang paninindigan laban sa social inequalities sa kanyang bayan at sa iba pang bahagi ng Latin America.

"His character is in every way that of a moderate. He is absolutely capable of undertaking the necessary renovation without any leaps into the unknown. He would be a balancing force," ani Francesca Ambrogetti, co-author ng talambuhay ni Bergoglio.

"He shares the view that the Church should have a missionary role, that gets out to meet people, that is active.... A church that does not so much regulate the faith as promote and facilitate it," aniya.
 
"His lifestyle is sober and austere. That's the way he lives. He travels on the underground, the bus... when he goes to Rome he flies economy class."

Ang ama ni Bergoglio, pinakaunang Jesuit na naging papa, ay isang railway worker. Ang ina naman ng bagong Santo Papa ay isang housewife. Pito sila sa pamilya.

Bilang miyembro ng isang pamilyang taimtim na sumusunod sa pananampalatayang Katoliko,  matibay ang paninindighan ni Bergoglio sa mga tradisyon ng Simbahan.

Simple lamang ang kanyang pamumuhay ni ayaw niyang tumira sa komportableng tirahan ng isang arsobispo at umupa na lamang siya ng maliit na apartment. Madalas siya sa labas ng Buenos Aires tuwing weekend para makapag-isa.

Lantarang pinatatamaan niya ang makapangyarihang mga pulitiko sa Argentina, paminsan-minsan sa kanyang public appearances.

'Masalimuot na panahon'

Naging pari si Bergoglio noong 32 taong gulang siya, isang dekada matapos magkasakit at matanggal ang isang bahagi ng kanyang baga. Itinigil niya ang kanyang pag-aaral ng chemistry. Kahit medyo huli ang kanyang pagiging miyembro ng kongregasyon, pinamunuan niya ang kanilang Jesuit community mula 1973 hanggang 1979.

Kasabay ng kanyang pamumuno sa ilalim ng madugong diktadurya sa Argentina mula 1976 hanggang 1983, umabot sa 30,000 ang mga pinaghinalaang makakaliwa ang mga dinakip at mga pinatay — ang kanyang pagiging lider ng Simbahan ay umani rin ng pagdududa dahil sa mga nangyari sa lipunan.

Ayon sa "The Silence" librong isinulat ng mamamahayag na si Horacio Verbitsky, binawi ni Bergoglio ang proteksyon ng kongregasyon sa dalawang paring Heswita na ayaw magpapigil sa pakikisalamuha sa mga mahihirap. Nadakip at ikinulong din ang dalawang pari.

Ang libro ni Verbitsky ay batay sa mga pahayag ni Fr. Orlando Yorio, isa sa mga nadakip na Jesuit, bago siya pumanaw noong 2000.

"History condemns him. It shows him to be opposed to all innovation in the Church and above all, during the dictatorship, it shows he was very cosy with the military," ani Fortunato Mallimacci, dating dean of social sciences sa Universidad de Buenos Aires.

Iginiit naman ng mga tagapagtanggol kay Bergoglio na wala umanong ebidensya sa mga paratang na ito, at sa katunayan, marami umanong natulungan ang pari noong panahon ng diktadurya.

Noong 2010 naman, hinamon niya ang gobyerno ng Argentina dahil sa pagsuporta ng pamahalaan sa gay marriage bill.

"Let's not be naive. This isn't a simple political fight, it's an attempt to destroy God's plan," sinabi niya sa kanyang liham ilang araw bago ipasa ng Kongreso ang panukala. Amanda Fernandez /LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus