ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Magkaibigan na magtatapos sana sa HS, nasawi matapos malunod sa ilog


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi na umabot sa dalawang espesyal na araw ng kanilang buhay ngayong Marso ang dalawang high school students sa Dao, Capiz makaraan silang malunod at masawi sa ilog na pinagliguan nila nitong Miyerkules. Nakatakda sanang magtapos sa Malonoy National High School sa Marso 20 ang mga nasawi na sina Ronel Estorninos, at John Paul Astorga. Sabay din sana silang magdiriwang ng kanilang kaarawan sa Marso 19. Nitong Miyerkules, nalunod ang dalawa matapos magkayayaan ang mga magkakaklase na maligo sa Panay River na sakop ng barangay Matagnop makaraan ang kanilang pagsasanay sa graduation ceremony. Natagpuan ang mga labi ng dalawa nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa kanilang guro, hindi nagkulang ang pamunuan ng paaralan sa pagpapaalala sa mga estudyante na huwag maligo sa ilog. Dahil sa nangyaring trahedya, hindi lamang ang pamilya ng mga biktima ang nagdadalamhati kundi maging ang mga mag-aaral at guro ng paaralan -- Carol Velagio/FRJ, GMA News