ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Binata sa Ilocos Norte, nasawi sa aksidente sa motorsiklo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 22-anyos na lalaki sa Bacarra, Ilocos Norte ang nasawi matapos maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo na sinasabing sinipa ng nakasabay na isa pang motorsiklo sa kalsada. Kinilala ang biktima na si Fahed Bugarin, residente ng Brgy. Cadaratan, Bacarra. Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing naganap ang aksidente sa National Highway sa barangay Carusipan sa bayan ng Pasuquin. Kwento ng ama ng biktima, may sumipa umano na isa pang naka-motorsiklo sa sasakyan ng kanyang anak habang nasa highway na naging dahilan para nawalan ito ng kontrol. Naisugod pa sa ospital ang biktima pero pumanaw din dahil sa matinding sugat na natamo sa ulo. Habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, umapila ang pamilya ng biktima sa hindi pa nakikilalang suspek na sumuko. -- JELabiano/FRJ, GMA News