Marquez: Ika-limang laban vs Pacquiao, wala nang saysay
Wala na yata umanong pagkakataong makabawi si pambansang kamao Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez. "Sorry Manny," ayon sa ulat ng Reuters nitong Biyernes. Pinatulog ni Marquez si Manny noong Disyembre sa kanilang ika-apat na pagsagupa sa ring. Matapos ang kanyang matagal nang ninanais na tagumpay, ginatungan pa ni Marquez ang posibilidad ng ika-lima nilang pagtutuos sa pagsasabing hindi pa siya magreretiro sa boxing. Ngunit mukhang nag-iba ang ihip ng hangin nang kamakailan sinabi ni Marquez sa panayam ng Reuters na: "It would be better to look for another kind of rival. Another rival. I'm not going to say any names. But a fifth fight [against Pacquiao] would be pointless." Sinabi umano ito ni Marquez sa kanyang speech sa isang aktibidad ng Worker's Union sa Mexico City noong Huwebes. "We managed to defeat our rival, the Filipino Manny Pacquaio, and we managed to do [sic] win convincingly. I had said, regardless of the outcome of the fight, that I would retire. It's a very exhausting sport. It's very difficult. But the result was positive, and it was a convincing, strong knockout. "I wouldn't want a fifth fight because we got what we wanted. We accomplished the objective we had." Ayon naman sa kanilang promoter na si Bob Arum sa panayam ng ESPN, sinabi umano ni Marquez na gusto niyang makita ang resulta ng dalawang labanan – Timothy Bradley Jr. vs Ruslan Provodnikov, at Brandon Rios vs Mike Alvarado – bago magdesisyon kung sino ang kanyang susunod na kalaban. Ayon sa ulat ng Reuters, tinitingnan umano ni Marquez ang posibilidad ng remacth nina Indonesian featherweight Chris John, na tumalo sa kanya noong 2006. Ayon sa Reuters, magkakaroon umano ng pakakataong magkausap sina Pacquiao at Marquez sa darating na Abril sa Macau sa laban Brian Viloria na panonoorin ng dalawa. Idedepensa ni Viloria ang kanyang unified WBO/WBA flyweight title laban kay Juan Francisco Estrada. — LBG, GMA News