Hollywood actor Liam Hemsworth at Korean actress Park Shin Hye, nasa Pilipinas
Nasa bansa ngayon ang Hollywood actor na si Liam Hemsworth at ang Korean actress na si Park Shin Hye. Bumida si Liam sa pelikulang "Hunger Games," habang unang nakilala naman ng mga Pinoy fans si Shin Hye sa Koreanobelang "Stairway To Heaven."
Habang nasa Pilipinas, magiging abala si Liam sa pag-endorso ng isang local clothing brand kung saan magkakaroon siya ng meet and greet sa kanyang mga Pinoy fans.
Kamakailan lang ay umugong ang balitang nagkakalabuan na sina Liam at ang kanyang fiance' na US pop star na si Miley Cyrus.
Samantala, iniulat naman ni Cata Tibayan sa Balitanghali na excited si Shin Hye na makasama ang kanyang mga Pinoy fans sa kanyang unang pagbisita sa Pilipinas.
Nakilala ang Korean young actress bilang batang Jody sa tinutukang Koreanobelang "Stairway to Heaven."
Game naman na nagpaunlak ng panayam at nagpakuha ng litrato si Shin Hye kasama ang kanyang mga tagahanga.

Lubos na natuwa ang Korean star nang makita ang mga nag-aabang na tagahanga sa airport nitong Biyernes ng umaga.
Tatagal si Hye sa bansa ng tatlong araw. -- FRJimenez, GMA News