ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang komedyanteng si Gary Lising, kukumustahin ng 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasaan na si Gary Lising?
Kapag mga komedyante ang pag-uusapan, tiyak mahahanay ang pangalang Gary Lising sa listahan. Nakilala sa pamosong palabas na Champoy noong dekada otsenta. Nagsulat din ng sari-saring libro na puno ng katatawanan. Nang magpunta rin sa Amerika rati, nasulat din siya ng materyal para sa isang sikat na komedyante at naging staff ng isang talk show doon. Ngunit hindi raw biro ang pinagdaraanan ng artista ngayon. Sa edad ng sitenta’y dos, tumamlay na raw ang kanyang karera at mga negosyo rin ay wala na.
Ang Panata Ni Mang Eddie
Madalas daw nasa simbahan si Mang Eddie dahil siya ay may panata, makikita siyang may tulak tulak na stroller. Hindi raw sanggol ang sakay nito kungdi ang dose anyos niyang apo sa pamangkin na si Christian. Kaya raw nagkaganito ang bata ay dahil naapektuhan noong isilang na prematured at kinumbulsiyon. Tanging si Mang Eddie ang matiyagang nag-aaruga sa kanya at nagdadala sa ospital para ipa-therapy dahil ang ina ng bata ay hinabilin na sa kanya at di na muling kinuha pa. Hindi nawawalan ng pag-asa si Mang Eddie na ang panata niya ay may kahihinatnan para sa kanyang pinakamamahal na si Christian.
Tags: plug
More Videos
Most Popular