ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Subas Herrero, puno ng pag-asa nang makausap ng kaibigang si Noel Trinidad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa mga kamag-anak, nadadalamhati rin sa pagpanaw ng batikang aktor at komedyante na si Subas Herrero ang mga kaibigan niya sa showbiz tulad ni Noel Trinidad.

Nagkasama sina Subas at Noel sa sikat na programa noon sa telebisyon na "Champoy," na kinabibilangan din nina Gary Lising at Tessie Tomas.

Basahin: Subas Herrero taken to hospital

Pumanaw si Subas noong March 14 sa Amerika dahil sa sakit na pneumonia.

"A week ago lang, magka-usap kami ni Subas eh. Kinukwento niya how optimistic he was na...kasi naka-wheelchair na siya eh, pero meron siyang bagong physical therapy," kwento ni Noel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras.



"Wala nang gaganda pang memory kundi doon sa 'Champoy.' Lahat ng memories ko ng 'Champoy' with Subas, eh lahat ay maganda," dagdag pa niya.

Kuwento ni Noel, grade school pa lang ay magkasama na sila ni Subas kaya tila magkapatid na ang kanilang turingan.

Inamin naman ni Gary Lising na napaiyak sila ni Noel nang malaman ang nangyari sa kanilang kaibigan na si Subas.

Bukod sa pagiging komedyante, mahusay ding umawit si Subas at batikang kontrabida sa mga pelikula gaya ng "Kahit Butas Ng Karayom, Papasukin Ko," na pinagbidahan ng yumao na ring si Fernando Poe Jr.

Umaasa si Noel na mabibigyan ng man lang ng tribute si Subas dahil sa malaking kontribusyon ng aktor sa industriya - FRJimenez, GMA News

Tags: subasherrero