ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Kapuso Mo, Jessica Soho' sa Universal Studios Singapore


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapuso Mo, Jessica Soho
Airing Date: March 10, 2013



Isa sa mga pinakasikat na dinarayong theme park sa Singapore ngayon ang Universal Studios. Bukod kasi sa mga exciting at thrilling rides, makikita rin dito ang ilang karakter sa mga Hollywood films. Ekslusibong inimbitahan ang Kapuso Mo, Jessica Soho para libutin ang Universal Studios Singapore at iba pang pasyalan sa Resorts World Sentosa kung saan ang ilan sa mga bumibida rito, mga Pinoy!



Kilala ang Singapore sa kanilang Hawker Center, itsurang mga karinderya, pero ang lasa ng mga putahe, tunay namang pang-world class! Samahan si Jessica Soho sa kanyang food trip sa Singapore.



Hinihikayat ngayon ng SSS o Social Security System na magkaroon ng alkansya ang mga Pilipino upang may maitabi para sa kanilang benepisyo. Sa panahon ngayon kung kailan ang dami ng gastusin, isama pa ang luho, paano pa nga ba tayo makakapag-impok?



Sa mga pelikula kadalasan kinatatakutan ang mga pating kahit pa kung tutuusin, hindi naman lahat ng pating ay umaatake sa tao. Pero kamakailan lang, napabalitang may isa raw mangingisda sa Sarangani ang kinain ng pating! Paano nga ba maiiwasan ang ganitong mga pangyayari?



Ilang linggo bago mag-Semana Santa, nagimbal ang isang tahimik na barangay sa Kalibo, Aklan nang mapabalitaang lumuha diumano ng dugo ang isang litrato ng Birheng Maria. Dahil dito, dinadagsa na ito ng mga deboto sa pagnanais na maambunan sila ng milagro. Siyasatin natin kung totoo nga ba ang himalang ito.

Ito ang mga istoryang dapat ninyong abangan sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, 7:45 PM sa GMA-7!