ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Silipin ang closet ni Sebastian Castro at set ng Bubble Gang sa 'Fashbook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Miyerkules sa Fashbook, ipakikita ni Solenn Heussaff ang ilang kakaiba at nakakatuwang beachwear at summer items.

Ilan lang dito ay ang mga kakaibang swimsuit tulad ng swimsuit party dress na maaring isuot sa beach at pati na rin sa mga party, ang swimsuit na hand-painted ang mga disensyo at ang swimsuit na maaring baguhin ang disenyo ng halos 20 ways.

Kasama rin sa listahan ng Fashbook ang nakakatuwang summer gadgets tulad ng sombrero na may mini-fan, shades na may mp3 player na may camera pa at underwater mp3 player na maaring ikabit sa goggles.

Susugod din ang Fashbook sa closet ng kontrobersyal na You Tube star at model na si Sebastian Castro na kamakailan lang ay sumikat dahil sa kanyang video sa Youtube na “Bubbles.” Ipapakita niya ang kanyang paboritong porma at fashion items na kanyang kinalolokohan sa kasalukuyan. Ikukuwento rin ni Sebastian ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang artist, model at singer.

Susugod din ang Fashbook sa set ng Bubble Gang para silipin ang laman ng kikay kit at bag ng cast ng nangungunang Kapuso comedy gag show.

Sa S-List naman, ibabahagi ni Solenn ang kanyang mga bikini secrets. Ilan lang dito ay ang kanyang sikreto para maiwasan ang pagkakaroon ng “wardrobe malfunction” habang suot-suot ang bikini sa beach. Mayroon ding karagdagang tips si Solenn para mas maging makinis ang kutis at mas sexy ngayong summer.

Mapapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules, 10:00 PM, pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.