ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mag-ina, pinatay sa taga sa ComVal; suspek, nadakip
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang 31-anyos na ginang, kasama ang kanyang apat-na-taong-gulang na anak nang pagtatagain sila ng suspek sa kanilang bahay sa Maco, Compostela Valley. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na si Emma Carpenter, at ang kanyang anak na si Junrey. Nahuli naman ang suspek at nakakulong sa Maco police station na si Zaldy Arican, 34-anyos. Ayon kay Sr. Insp. Conrado Canalija, hepe ng Maco police, nakaligtas ang isa pang anak ni Carpenter nang magawa nitong makatakbo at makahingi ng tulong. Hindi pa makausap ng mga awtoridad ang suspek kaya hindi pa matiyak kung ano ang nagtulak dito para paslangin ang mag-ina. -- SVergara/FRJ, GMA News
Tags: davaocrime, crimes
More Videos
Most Popular