ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pulis na 25-taon na sa serbisyo, nabihag ng mga NPA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umaasa ang pamilya ng pulis na binihag ng New Peoples' Army (NPA) na ligtas itong palalayain ng mga rebelde dahil hindi ito nasangkot sa anumang uri ng pang-aabuso habang nasa serbisyo. Kasabay nito, nanawagan sa mga awtoridad ang pamilya ni P03 Ruben Nohapa, at kinaaniban nitong Iglesia Ni Cristo, na ipagpaliban ang anumang operasyon para mabawi ito at bigyan muna ng daan ang negosasyon. Nabihag si Nohapa ng mga rebelde habang nasasagawa ng checkpoint sa Barangay Anislagan, sa bayan ng Nabunturan sa Compostela Valley nitong Lunes ng madaling araw. Nanawagan si Gng. Gertrides Nohapa, misis ni Ruben, sa NPA na huwag sasaktan ang kanyang mister dahil wala itong ginawang pang-aabuso sa loob ng 25 taon sa serbisyo. Naghahanap ngayon ang pamilya ng magiging "tulay" sa NPA para mapag-usapan ang paglaya ng pulis. Sinabi naman ni Nomer Bialin, pangulong diakono ng INC, na kaisa sila sa pananalangin para sa maaga at maayos na pagpapalaya kay Nohapa. -- SVergara/FRJ, GMA News