ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Honasan, Hontiveros, and Penson answer questions on 'Kandidato 2013'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KANDIDATO
Airing Date: March 21, 2013

Ngayong Huwebes ng gabi sa GMA-7, sina Risa Hontiveros, Gringo Honasan, at Ricardo Penson naman ang sasabak sa matinding pagtatanong nina Arnold Clavio at Malou Mangahas sa KANDIDATO 2013: SENADOR.
Kilala si Risa Hontiveros bilang isang aktibista at advocate ng RH Law. Sa pangalawang pagkakataon, susubukan muli niyang tumakbo sa Senado. Ano kaya ang kanyang mga natutunan sa 2010 elections? Totoo ba na siya ay paboritong kandidato ni Pangulong Aquino? Ano ang kanyang mga opinyon sa mga kontrobersiyang bumabalot sa Akbayan at sa mga gabinete ng Aquino Administration na nagmula rito?
Hindi pa raw sapat ang labinlimang taong pag-upo ni Sen. Gregorio "Gringo" Honasan sa Senado. Ang reporma raw sa ating Sandatahang Lakas ay isang work-in-progress. Walang takot na sinagot ni Honasan ang mga tanong kung kumusta ang naging buhay niya bilang pugante at kung hanggang kailan siya mag-aalsa laban sa mga administrasyong darating. Liliwanagin din niya ang isyung nakakapit siya sa anino ni Senate President Juan Ponce-Enrile at kung bakit nagkakaroon ng kudeta kapag babae ang presidente.
Ang negosyanteng si Ricardo Penson, puspusan ang pagsusulong ng krusada kontra dinastiya. Pero paano niya haharapin ang tanong kung bakit ilan sa mga kamag-anak niya ay nasa pulitika rin? Ang kanya namang mga negosyo, hindi kaya magdulot ng conflict of interest sa mga isusulong niyang batas sa Senado? At matapos mapawalang bisa ang kanyang kasal sa isang sikat na aktres, ano kaya ang kanyang opinyon ukol sa diborsyo?
Samahan sina Arnold Clavio at Malou Mangahas na kilatisin ang mga kandidato sa pagka-senador. Huwag palampasin ang KANDIDATO 2013: SENADOR ngayong Huwebes, ika-21 ng Marso pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

More Videos
Most Popular