ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang world boxing championship fight nang buksan ang 'Big Dome'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala niyo ba kung sinong sikat na Pinoy boxer ang lumaban sa isang world championship fight sa kabubukas pa lamang noon na "Big Dome" na mas kilala sa tawag na Araneta Coliseum noong March 1960? Ang Araneta Coliseum o Smart Araneta sa Cubao ay ipinangalan sa taong nasa likod ng pagpapatayo nito na si J. Amado Araneta, na isang industrialist.   Inabot ng dalawang taon ang konstruksiyon ng Big Dome na sinimulang itayo noong 1957.  May sukat itong 2,300 square meter floor area, 108 meter sa diameter, at mayroong mahigit 16,000 seating capacity. Sa inagurasyon o pagbubukas sa publiko ng coliseum noong March 16, 1960, naging tampok ang laban ng challenger na si Gabriel "Flash" Elorde kontra sa World Junior Lightweight champion na si Harold Gomes ng Amerika. Matapos ang pitong round, naagaw ni Elorde ang korona kay Gomes sa pamamagitan ng knockout. Ito rin ang naging simula para makilala ang "Big Dome" bilang isa sa mga pinakamalaking covered coliseum sa mundo nang panahong iyon. - FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia