ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kris Aquino, humingi ng paumanhin kay PNoy
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Humingi ng dispensa ang TV host-actress na si Kris Aquino sa kanyang kuya na si President Benigno Aquino III dahil sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng aktres at ng kanyang dating asawang si James Yap.
"Apart from my having said sorry na nadamay siya [PNoy]... no because I don't want it ever said talaga that who he is will influence what will come out after the hearing. Ayaw kong maka-dagdag sa problema [niya]," pahayag ni Kris sa ulat ni Nelson Canlas sa Chika Minute ng 24 Oras noong Lunes.
Maliban dito, humingi rin ng paumanhin si Kris sa mga taong naaapektuhan sa nasabing isyu lalo na sa mga kaibigan nitong hindi muna niya makakasama dahil sa pagbitiw sa showbiz.
Samantala, sa panayam ng mga reporter sa Pangulo noong Lunes, nakwento nitong hindi pa niya nakaka-usap ang bunsong kapatid.
Ayon pa kay PNoy, "I haven't talked to her. I haven't talked to her prior to her appearence in that interview. She has left for Paris together with her kids. I got information about it from my other sisters yesterday."
Samantala, dahil na rin sa kanyang mga pinagdaanan kamakailan, pinag-iisipan na ngayon ni Kris na mag-aral ng kursong ukol sa batas.
Aniya, "Gustong-gusto ko na mag-aral ng governance. Sa lahat ng pinagdaanan ko recently, na-realize ko kung gaano kahalaga ang tamang batas para sa Pilipinas.
Lumipad na patungong Paris, France si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Dalawang linggo silang maglilibot sa Europe at sana raw ay mapahinga nila ang kanilang mga kalooban at makapagdasal sa bakasyon.
Maliban dito, dahil naaapektuhan na sina Bimby at Josh, napagdesisyunan ng kampo nina Kris at James na gawing pribado at malayo sa media ang kanilang problema. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: krisaquino, jamesyap
More Videos
Most Popular