ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mukha ng bayaning-asong si Kabang, retokado na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos sumailalim sa limang-oras na operasyon sa University of California-Davis sa United States, naiayos na ang mga sugat sa mukha ng bayaning aso na si Kabang, pahayag ng grupong Care for Kabang nitong Huwebes. Ayon sa ulat ng UC Davis, sinabi umano ng Care for Kabang na, “Kabang underwent successful maxillofacial surgery today to repair the wound to her face.” Kasalukuyang nasa US ang aso mula pa noong Setyembre ng nakaraang taon matapos makalikom ng sapat na pondo ang Care for Kabang, mahigit-kumulang $20,000, para sa kanyang operasyon. Natanggal ang kanyang nguso at panga nang iligtas nito ang dalawang batang babae na mababangga na sana ng motorsiklo sa Zamboanga City noong 2011. Ayon sa Care for Kabang, tumagal ang operasyon ni Kabang nitong Huwebes ng limang oras "with no major problems." Isinara nina doctors Boaz Arzi at Frank Verstraete, kasama ni resident Dr. Amy Fulton, ang nakabukas na sugat ni Kabang sa kanyang nguso at panga upang maiwasan ang impeksyon. Sa tulong ni Dr. Bill Culp, ibinalik sa dati ang nostrils ng bayaning aso. Ayon sa ulat ng Veterinary Practice News (VPN), isinagawa ang dalawang unang reconstructive surgeries ni Kabang noong Marson 5. "Oral surgeons removed two upper fourth premolars, repaired a cracked front tooth and rebuilt her missing left eyelid," ayon sa ulat. 'Ideal patient' Ayon sa ulat ng VPN, inilarawan ni Rob Warren, communications and marketing officer ng UC Davis hospital si Kabang bilang isang "ideal patient." “She's receptive to everyone, and no matter we put her through, she wags her tail," ani Warren. Bago ang operasyon ni Kabang, kinailangan munang gamutin ang kanyang genital cancer at heatworm disease. Nang madeklarang magaling na siya, binigyan na ng go-signal ang pagsasailalim niya sa operasyon. Kasalukuyang nagpapagaling pa siya sa intensive care unit ng UC-Davis World's top 10 most heroic dogs Noong nakaraang taon, naisama si Kabang bilang "world's top 10 most heroic dogs." Sa isang video sa news site Huffington Post, naipakitang pang-anim si Kabang sa "most heroic canine in the world." Kabilang sa mga nakasama sa top 10 ay sina:

Lilly, ang top heroic canine noong 2012 na hinila ang kanyang amo palayo sa train tracks nang mawalan siya ng malay dahil sa alkohol, at Duke, ang nanggising sa kanyang mga amo nang hindi na makahinga ang kanilang sanggol.  
-- Amanda Fernandez /LBG, GMA News