Pilipinas, nasungkit na ang investment grade mula sa Fitch Ratings
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng Pilipinas ang inaasam na investment grade mula sa Fitch Ratings – isang ahensyang tumutukoy sa mga bansa o institusyon na maaaring pamuhunanan. Ang mas mataas na rating na ibinigay ng Fitch na “BBB-“ mula sa “BB+” ay maaaring magresulta umano sa pamumuhunan ng mas maraming investor sa bansa sapagkat tinitiyak ng ratings na ito na “stable” o maayos na ang pamamahala sa ekonomiya. "This rating is unprecedented in the Philippines and can trigger the kind of investment that will help carry the country into its next phase of development," ani Norio Usui, Country Economist sa Asian Development Bank. “The Philippines' sovereign external balance sheet is considered strong,” ani ng Fitch sa isang pahayag nitong Miyerkules. Nakatulong umano sa ekonomiya ng bansa ang dumaraming remittances ng mga overseas Filipinos kung kaya’t hindi naantala ang paglago ng ekonomiya sa kabila nang naganap na global financial crisis noong 2007, paliwanag ng ahensya. “Strong domestic demand drove this outturn,” dagdag pa nito. Tinataya ng Fitch na aabot sa 5.5 porsiyento ang paglago ng ekonomiya sa taong ito. Noong nakaraang taon, tumaas 6.6 porsiyento ang gross domestic product ng bansa. Dagdag trabaho para sa mga Pilipino Ayon kay Finance Secretary Cesar Purisima, ang pagtataas ng rating ng Fitch sa bansa ay isang indikasyon ng mga piskal na repormang ginagawa ng pamahalaang Aquino. "After successfully reversing a decade of decline, [we are now] investment grade for the first time in our history. A landmark achievement!" aniya sa isang pahayag. Bukod sa karagdagang investments, maaari rin umanong mas dumami pa ang trabaho buhat sa nasabing upgrade. "Investment grade opens up more sources of financing for our businesses, lowers the cost of borrowing, and encourages more investments, which in turn will lead to more jobs and greater incomes for our people," sabi ni Purisima sa isang hiwalay na pahayag. Samantala, ikinatuwa naman ng Malacañang ang pagtataas ng Fitch sa antas ng bansa upang pamuhunanan. Tulad ng sabi ni Purisima, naniniwala ang Palasyo na mas maraming kumpanya at trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino matapos ang nasabing upgrade. “More companies in the real economy can now consider us an investment destination… This in turn enables industries to expand and generate more jobs for our countrymen," anito. Aquino o Arroyo? Bukod sa mga fiscal reform na ginawa ni Pangulong Aquino, binanggit din ng Fitch na nakatulong ang mga repormang ipinatupad sa ilalim ng rehimeng Arroyo. “Improvements in fiscal management begun under President Arroyo have made general government debt dynamics more resilient to shock,” ayon sa pahayag. Hindi naman ito sinang-ayunan ng Palasyo. Sa isang panayam kay presidential spokesperson Edwin Lacierda, ipinaliwanag nito na ang pagpapataw lamang ng value added tax ang naging kontribusyon ng nakaraang administrasyon sa upgrade ng Fitch. "I spoke to Secretary Cesar Purisima. He mentioned, for instance, that when former President Arroyo entered or inherited the presidency we were one notch below investment grade. Since then, it went down," ani Lacierda. Buhat sa nasabing upgrade, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas governor Amando Tetangco, Jr., mas dapat umanong mas palakasin ang kooperasyon mula sa iba’t ibang sektor ng bansa. "The upgrade to investment grade status should inspire the entire government bureaucracy and the Filipino people to capitalize on the opportunities that will arise from this positive credit rating action," aniya. "We should continue to work together not only to achieve higher credit ratings but also to ensure that the gains from these benefit most of our people,” dagdag pa nito. — Rouchelle R. Dinglasan/BM, GMA News