ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
ATM skimming, isyung siniyasat ng 'Brigada'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada
Airing Date: April 1, 2013
MILAGROSONG LUHA?

Sakto sa pagpasok ng Kwaresma ang pagkalat ng balita na 'di umano'y may rebulto raw ng Sto. Nino sa Carigara, Leyte na lumuluha ng dugo. May ilan ding mga poon sa Batangas at Pangasinan ang sinasabing tumatangis din ng dugo kaya namang pinaniniwalaang milagroso ang mga ito. Siniyasat ni Victoria Tulad kung maituturing nga bang himala ang mga pangyayaring ito.
ATM SKIMMING

Pati mga ATM o Automated Teller Machine, napasok na rin daw ng mga sindikato! Katunayan, may ilan na raw tayong mga kababayan na nalimas ang pera sa bangko kahit hindi naman sila ang nagwi-withdraw. Inalam ni Julius Segovia kung paano makaiiwas sa modus na ATM skimming.
BANTA MULA SA KALAWAKAN

Nagimbal ang halos buong mundo sa pagbagsak ng isang meteor sa Russia na ikinasugat ng lampas isang libong katao't ikinasira ng mga gusali. Maging dito sa Pilipinas, meron na rin palang mga naitalang pagbulusok ng meteor. Sinuri ni Ian Cruz ang natatanging phenomenon na ito.
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!

More Videos
Most Popular