ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Magpinsan, nasawi nang malunod sa Taal lake noong Huwebes Santo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang magpinsan na nalunod sa lawa ng Taal sa Tanauan, Batangas, ayon sa ulat ng GMA Flash Report nitong Sabado. Sinabing naganap ang trahedya sa magpinsang Jun Redondo,18-anyos at Richard Matanguijan, 24-anyos noong Huwebes Santo. Sa ulat ng pulisya, lumitaw na nakasalbabida ang magpinsan nang maligo sa Taal lake pero nahulog ang isa at lumubog sa tubig. Tinangka naman ng isa pang biktima na sagipin ang kanyang pinsan pero siya man ay nalunod din. Dahil dito, muling nagpaalala ang pulisya sa mga nagbabakasyon sa Taal lake na ibayong pag-iingat at huwag nang gumawi sa malalim na bahagi ng lawa. - FRJ, GMA News