ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ang explosive finale ng GMA primetime series na Temptation of Wife


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa huling linggo ng Temptation of Wife, wala pa ring kasiguraduhan kung anong mangyayari sa mga pangunahing karakter sa top-rating soap ng GMA-7  na sina Angeline, Marcel, Nigel at Heidi. Magtatagumpay ba si Heidi sa kanyang mga plano? Ano ang mangyayari kay Marcel sa kamay ni Heidi? At siyempre pa, sino ba talaga ang magmamay-ari ng puso ni Angeline sa huli, si Marcel ba o si Nigel? Malalaman lamang ang lahat ng kasagutan sa mga nalalabing ilang araw ng Temptation of Wife.   Sa interviews ng GMA Network.com sa cast ng Temptation of Wife, halatang nalulungkot ang mga bida ng soap sa pagtatapos ng kanilang show.     “Mahirap isipin na magtatapos na  kasi kahit papaano nag-stick na sa‘yo yung character, show at yung staff,  but it has been a great experience,” pagtatapat ni Glaiza de Castro, na gumaganap bilang kontrabidang si Heidi.   Dagdag pa niya, “Ang dami kong natutunan sa buong show. Personally ito rin ang pinaka-challenging na role na ginampanan ko so far. At sobra akong proud na maganda ang kinalabasan ng show.”   Dapat ngang maging proud si Glaiza dahil naging very effective siya bilang kontrabida at ang daming nagagalit sa kanya dahil sa mga ginagawa niya kay Angeline (Marian Rivera) at Marcel (Dennis Trillo). To date, nasa kamay pa rin ni Heidi si Marcel at ipinagpipilitan pa rin niya ang  kanyang sarili sa lalaki lalo na ngayon na alam niyang may taning na ang kanyang buhay. Pero ang nasa isip pa rin ni Marcel kung hindi kung paano makakatakas sa nababaliw na si Heidi at paano niya muling makikita si Angeline.   “Pursigido pa rin siya hanggang huli na mabawi niya si Angeline,” ang kuwento naman ni Dennis. “Kailangan abangan ninyo kung anong mangyayari kay Marcel.”   Bukod kay Heidi, tumatak din ang role ni Dennis dito dahil sa makulay na pagganap niya sa role ni Marcel.   “Sobrang suwerte at honored  ako na makatrabaho ang Queen of Primetime na si Marian, Rafael Rosell, Glaiza De Castro, si Direk Dom ( Dominic Zapata). Napakaswerte na makatrabaho ko silang lahat. Doon pa lang sa ensemble na yun sigurado ka na magandang show at proyekto ang gagawin ninyo. Napakasuwerte ko lang bilang artista na makatrabaho silang lahat sa isang show.”   Kaya naman talagang magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ng dalawa sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang show at nag-iwan sila ng mensahe sa mga manonood.   “Sa lahat ng mga Kapuso na sumabaybay sa Temptation of Wife maraming salamat sa inyo. Sana hanggang hulli subaybayan ninyo,” paanyaya ni Dennis sa mga manonood.   “Sana po tutukan ninyo ang pagtatapos ng Temptation of Wife. Marami pa po kaming ipapapalabas kaya sana huwag kayong bibitaw. Maraming salamat sa pag suporta at sa huwag kayong bibitaw sa mga huling araw ng Temptation of Wife,” ang pagpapaalam naman ni Glaiza.   Pahabol pa ni Dennis, “Abangan ninyo ang pagtatapos ng Temptatiion of Wife. Abangan ninyo kung anong mangyayari sa mga characters nina Heidi, Nigel, Marcel at siyempre si Angeline.”   Mapapanood ang mga huling episodes ng Temptation of Wife, weeknights sa GMA Telebabad. - Loretta G. Ramirez/FRJ, GMA News