GMA News Online
Public Affairs
»
Tunay na Buhay

Tunay na Buhay

Ang Tunay na Buhay ni Joel Cruz

April 3, 2013 6:41am
TUNAY NA BUHAY ni JOEL CRUZ
Airing date: April 6, 2013
 
Si Joel Cruz ang nasa likod ng pamosong pabango na "Aficionado," at isa sa pinakamayamang entrepreneur sa bansa. Bata pa lamang ay nag-umpisa na siyang mangarap at utang daw niya ang masaganang buhay ngayon sa determinasyon niyang umangat sa buhay. May bahay siyang gawa sa ginto, mala-palasyong mga mansyon, kaliwa't kanang bodyguards at iba’t ibang mga negosyo. Pero pinaiiral pa rin ni Joel ang pilantropiya sa dami ng mga charitable institutions na kaniyang tinutulungan. Ngayong taon, naging ganap na tatay si Joel nang isilang ang kaniyang anak na kambal na sina Prince Sean at Princess Synne ng isang Russian surrogate mother. Sa lahat ng bagay na taglay ni Joel ngayon, ano pa kaya ang pinapangarap niya? Sama-sama nating tuklasin ngayon Sabado dito lang sa Tunay Na Buhay.


 
He is behind the famous perfume line, "Aficionado" and is one of the most successful entrepreneurs in the country. As a child, he dreamed big and he owes his success to his strong determination to succeed. He has a house made of gold, palace-like mansions, a troop of bodyguards, and several businesses. But Joel still gives time to philanthropic works in many charitable institutions. This year, Joel became a first-time father with the birth of his twins, Prince Sean and Princess Synne through a Russian surrogate mother. With all the comforts of life, what other dreams does Joel want to achieve? Let’s find out this Saturday on Tunay na Buhay.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus