ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Belgica, Casiño, and Montaño answer questions on 'Kandidato 2013'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KANDIDATO
Airing Date: April 4, 2013

Ngayong Huwebes ng gabi sa GMA-7, sina Retired General Ramon Montaño, Congressman Teddy Casiño at Councilor Greco Belgica naman ang sasabak sa matinding pagtatanong nina Arnold Clavio at Howie Severino sa KANDIDATO 2013: SENADOR.

Ilang beses mang sumubok at natalo sa eleksyon, buo pa rin ang loob ng retiradong heneral na si Ramon Montaño na makapasok sa Senado. Ang kanyang plataporma -- reporma sa sandatahang lakas at pulisya. Mas may magagawa nga ba siyang pagbabago? Bakit hindi siya bilib sa nagawa ni Sen. Gringo Honasan? Bakit pinaratangan niyang sinungaling si Senate President Juan Ponce Enrile? Paano kaya siya makikisama sa loob ng Senado? At paano siya makasisigurong mananalo sa pagkakataong ito? 

Bagamat hindi na bagito sa pulitika, si Greco Belgica ang pinakabatang kandidato sa pagka-senador. Paano niya patutunayang "age doesn't matter" para maging kuwalipikadong kandidato? Sasagutin din niya kung may sapat na siyang karanasan bilang konsehal para mag ambisyon na maging mambabatas. Aalamin din ang kanyang posisyon tungkol sa mga mahahalagang isyu tulad ng Reproductive Health at Pork Barrel. Ano ang kanyang plataporma at ano ang solusyon niya sa kawalan ng sapat na trabaho at labis na kahirapan ng maraming Pilipino?

Sumalang din sa matinding tanungan si Congressman Teddy Casiño ng Bayan Muna. Inusisa kung paano niya tutustusan ang kampanya gayong maliit ang kanyang net worth. Tinanong din siya kung ano ang kanyang opinyon sa mahahalagang isyu gaya ng FOI bill at cybercrime law. Hindi rin siya nakaligtas sa tanong kung ano ang magiging papel niya sa senado bilang kritiko ni Pangulong Aquino.

Samahan sina Arnold Clavio at Howie Severino na kilatisin ang mga kandidato sa pagka-senador. Huwag palampasin ang KANDIDATO 2013: SENADOR ngayong Huwebes, ika-4 ng Abril pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.