GMA News Online
NewsTV
»
Biyahe ni Drew

Biyahe ni Drew

'Biyahe ni Drew' Summer Special #1: Pagudpud, Ilocos Norte

April 3, 2013 11:29am

BIYAHE ni DREW: PAGUDPUD, ILOCOS
Biyernes, April 5, 2013, 10:00 pm sa GMA News TV 
  
Salubungin ang tag-init kasama si Drew Arellano as Biyahe ni Drew goes to Pagudpud, Ilocos!
 
The sand, the wind and the surf… lahat daw ‘yan ay makikita sa Pagudpud.  If you’re on a tight budget, you can go on a 10-12 hour land trip via bus or private vehicle.  Pero kung nagmamadali ka at may pang-plane fare naman, you can take a 45-minute flight from Manila to Laoag City tapos 2-3 hours na lang ang land trip from Laoag to Pagudpud.
 
When it comes to accommodations, may mga rekomendasyon si Biyahero Drew.  First on his list is the high-end Hannah’s Beach Resort and Convention Center, isang beachfront resort na mula 3,000-20,000 pesos ang price range ng mga kwarto! Pumapangalawa naman ang  Kapuluan Vista Resort at 1,300 to 4,750 pesos a night. At kung talaga namang kapos ang budget mo o gusto mong maranasan ang local lifestyle, pwede kang mag-homestay o makitira sa bahay ng isang pamilya for 250 pesos a night. Tiyakin lang na accredited ng Department of Tourism ang homestay na napili mo. 

Dahil nakaharap sa West Philippine Sea ang Pagudpod, maganda ang panahon at medyo malakas ang bugso ng hangin sa summer—perfect for kite surfing! Aabot ng 2,300 pesos ang isa’t kalahating oras ng intro lesson nito; medyo mahal pero sulit naman. Sabi nga, Pagudpud is not one of the Top 10 Kite Surfing  Destinations for nothing!  And since you’re already in Pagudpud, Biyahero Drew recommends surfing lessons, too! 


Meron ding ATV rides para sa mga mas adventurous.  Last but not the least, pupuntahan ni Drew ang Bangui windmills— ang mga gahiganteng istruktura na nagsu-supply ng halos 40% ng enerhiya sa buong Ilocos Norte! “It’s a must na puntahan ninyo… it’s just 15 minutes off the highway, libre pa!”


Pag dating naman sa kainan, hindi rin magpapahuli ang Pagudpud. Bukod sa traditional Ilokano cuisine sa Evangeline’s, sasampolan din ni Drew ang German cuisine sa Bergblik at ang Italian fare sa Tartarugas. At bago siya bumalik ng Maynila, dadaanan muna niya ang Kangkang para matikman ang crispy lechon at pinakbet!

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus