We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos na magkaayos nitong Semana Santa, iuurong na raw ni Ara Mina ang kasong libelo na isinampa niya sa kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes. Sa artikulong isinulat ni Arniel C. Serato sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, sinabing nagkaayos ang magkapatid nitong nagdaang Biyernes Santo. Sinabi nito na unang kinumpirma ni Ara ang pagbabati nila ni Cristine sa PEP contributor na si Gorgy Rula noong Lunes.
Photo from Ara Mina's Instagram
“This time, yes,” sagot pa ni Ara sa text nang tanungin ni Gorgy kung naramdaman niya ang sinseridad ni Cristine sa pakikipagbati nito sa kanya. Sa isa namang report ni Pilar Mateo para sa InterAksyon.com, Huwebes Santo umano nang mag-text si Cristine sa kanyang ate Ara para humingi ng permiso na mabisita siya at magkausap silang magkapatid. Hindi raw muna iyon sinagot ni Ara at pinalipas ang magdamag saka sinagot ang mga text ni Cristine hanggang sa magkita sila at magkausap kinabukasan ng Biyernes Santo. Naniniwala si Ara na sincere na ngayon ang hakbang ng kanyang kapatid na makipagkasundo sila hindi katulad noon. Papunta raw sana si Cristine sa Baguio nang matanggap nito ang text ni Ara at pinili na bumalik sa Maynila Katunayan, sa pagmamadali ni Cristine na makausap ang kanyang ate, mag-isa lang itong nag-drive ng sasakyan at nahuli pa sa SCTEX dahil sa overspeeding. Umabot din ng isang taon ang hidwaan nilang magkapatid na sinasabing nag-ugat sa hindi pagkakaunawaan sa hatian sa pagbabayad nila sa biniling bahay para sa kanilang ina. Aminado si Ara na nagkailangan pa sila ni Cristine nang muling magkaharap. Pero inamin umano ng kanyang nakababatang kapatid ang pagkakamali at humingi ito ng patawad na kanya namang tinanggap. Matapos magkaayos, pinuntahan na umano ng magkapatid ang kanilang ina para ipaalam ang kanilang pagkakasundo. Dahil dito, iuurong na ni Ara ang libel case na isinampa niya kay Cristine na nakabinbin sa Quezon City Fiscal's Office. “Gaya naman ng sinabi ko before, ang purpose noon was to give her lang a lesson. Wala akong danyos na hiningi doon," ayon kay Ara. “So, God is really good. Ang prayer ko noon, maging maayos ang lahat. And what a better time para masagot ang dasal ko.” - FRJ, GMA News