ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang preso sa district jail ng Naga, tinamaan ng bulutong


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Labing-anim na bilanggo sa Naga District Jail ang tinamaan ng bulutong tubig o chicken pox na karaniwang uso kapag mainit ang panahon. Ayon sa pamunuan ng bilangguan, kaagad nilang inihiwalay ng selda ang mga preso na nagka-bulutong upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit sa pagkaloob kulungan. Maliban sa paghiwalay sa selda, dinagdagan na rin ng pamunuan ng district jail ang "spring time" ng mga bilanggo o oras sa labas ng selda. Ang dating tatlong minutong spring time ay ginawang isang oras. Sa paraang ito, mababawasan umano ang init na nararamdaman ng mga inmate sa loob ng selda. Hinihikayat na din ng pamunuan ng district jail ang mga bilanggo na maligo ng dalawang beses sa isang araw. Dahil sa ipinatupad na sistema, hindi na kumalat ang bulutong at tatlong bilanggo na lamang ang ginagamot dahil sa nasabing sakit. -- Cha Pagtalunan-Olivares/FRJ, GMA News