ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bakit nasa Korea si Ninoy Aquino nang panahon ng digmaan ng South at North Korea?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bago naging tanyag na politiko, naging mamamahayag muna si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr., ama ni Pangulong Noynoy Aquino III.  Ang digmaan ng South at North Korea noong 1950's ang isa sa mga ginawan niya ng balita.

Si Ninoy Aquino nang gawing war correspondent sa Korean War noong 1950's para sa pahayagang Manila Times. Larawan mula sa Presidential Museum and Library
Edad 15 lamang noon si Ninoy nang mamasukan siya bilang mamamahayag sa pahayagang The Manila Times, na pinamumunuan noon ni Don Joaquin Roces, kaibigan ng kanyang ama. Nang sumiklab ang digmaan ng South at North Korea (1950-1953), ipinadala ng pahayagan si Ninoy sa Korea bilang war correspondent sa edad na 18. Dahil sa pagkober ni Ninoy sa nasabing digmaan -- lalo na sa mga nangyayari sa ipinadalang sundalo ng Pilipinas para tumulong sa South Korea, ipinagkaloob sa kanya ni dating Pangulong Elpidio Qurino ang Philippine Legion of Honor, Officer Degree. Sa mahigit 7,000 Pinoy na sundalo na ipinadala ng Pilipinas sa South Korea, mahigit 100 sa kanila ang hindi na nakauwi ng buhay. -- FRJimenez, GMA News
Tags: pinoytrivia