ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Offshore accounts ni Imee Marcos lang ang iimbestigahan ng PCGG


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tanging ang sinasabing offshore trust ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos, anak ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, ang iimbestigahan ng Presidential Commission on Good Government. Sa isang panayam sa radio dzRB, sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na hindi raw kasama ang offshore accounts nina San Juan Rep. Jose Victor Ejercito at ni outgoing Sen. Manuel Villar Jr. “Sa PCGG, ang investigation nila sinasakupan sa sinasabing offshore account ni Governor Imee. Hindi kasama ang sinasabing allegedly those that belong to Rep. Ejercito and Sen. Villar," sabi ni Valte. Nauna nang naiulat na may mga sikretong offshore na korporasyon sina Villar at Ejercito sa British Virgin Island, kung saan karaniwan daw nagtatago ng pera ang mayayamang tao para hindi malaman ng mga awtoridad. Pinabulaanan na ng dalawa ang nasbaing akusasyon. Tumatakbo si Ejercito para sa pagka-sendaor sa ilalim ng United Nationalist Alliance, samantalang ang asawa naman ni Villar na si Cynthia ay tumatakbo rin sa ilalim ng administrasyon. Ayon kay Valte, ginagawa lamang umano ng PCGG ang mandato nito na habulin ang umano'y nakaw na yaman mg mga Marcos. Nanawagan naman si Valte sa publiko na bigyan ang PCGG ng pagkakataon para gampanan ang tungkulin nito. “Let’s allow them to do that. The investigation is ongoing, confidential ang ibang detalye," ani Valte. — JGV /LBG, GMA News