ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

60 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa QC


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi bababa sa 60 na pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog sa isang "informal settler area" sa Quezon City nitong Sabado ng hapon, ayon sa ulat ng pulis. Sinabi ni PO3 Regundina Sosa ng Cubao Police Station 7 sa panayam ng GMA News Online na nagsimula ang sunog dakong 12:25 ng hapon sa Barangay Bagong Lipunan sa Crame. Idineklarang under control ang sunog bandang 1:27 p.m. at tuluyan nang naapula bandang 1:48 p.m., ayon kay Sosa. Dagdag pa ng pulis, wala naman umanong nasugatan o namatay sa nasabing sunog, na hinihinalang nagmula sa isang sirang kawad ng kuryente. Nagsimula umano ang sunog sa ikatlong palapag ng isang bahay sa lugar na pinangyarihan. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at tumupok sa 19 na mga tahanan. Tinatayang P500,000 ang halaga ng mga ari-ariang nasunog. — JGV /LBG, GMA News