ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mataas na pinuno ng NPA, nahuli sa checkpoint sa Negros Occidental — AFP


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines nitong Linggo na kanila nang nahuli ang isang mataas na pinuno umano ng New People's Army at lima nitong kasamahan sa checkpoint sa Negros Occidental noong Biyernes. Ayon sa pahayag ng Philippine Army, pinigil ng mga opisyal sina Reniel Cellon, 43, ang asawa niyang si Mary Jane Magquilat, 39, at apat pang iba sa joint AFP/PNP (Philippine National Police) Comelec (Commission on Elections) checkpoint sa national highway sa Barangay Dancalan, Ilog, Negros Occidental bandang 10:30 ng gabi ng Abril 5. Ayon sa ulat, sinubukang iwasan ng sasakyan ng mga suspek ang checkpoint, at nagkaroon ng "brief chase" bago sila mahuli. Arestado rin ang driver ng sasakyan, Jose Sonny Ditomal, at tatlo pang ibang mga pasahero na kinilala bilang sina Rodrigo Maricas, Antonio Estaniel at Edsan Gonzales, mga residente ng Negros Occidental. Idinala sa Ilog PNP station. Mayroong mga nakabiting warrant of arrest na ikinahaharap nina Cellon, alyas "Kumpol," at Magquilat, alyas "Chin-Chin," dahil sa pagpatay kay 1Lt. Jose Angelo Esguerra, ang executive officer ng Army’s 47th Infantry Battalion, sa isang ambush sa bayan ng Cauayan noong Marso ng nakaraang taon. Maliban nito, mayroon ding warrant of arrest si Cellon sa kasong frustrated murder. Samantala, natagpuang mayroong dalang ARMSCOR .45-caliber pistol, limang magazines na may lamang ammunition at isang fragmentation grenade si Cellon. Mayroon namang dalang Walther .22-caliber pistol at tatlong magazine na puno ng ammunition si Magquilat. Kabilang naman sa mga narekober sa sasakyan ay isang rifle grenade, anim na long at short magazines para sa M16 na puno ng ammunition, siyam na kahon ng 5.56mm na ammunition, at ang umano'y “voluminous subversive documents of high intelligence value.” — Amanda Fernandez/BM, GMA News