ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pangangampanya nina Erap at Lim sa Maynila, tinutukan ng 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada
Airing Date: April 8, 2013

ANG LIHIM NG CAMP JOHN HAY



Ilang dekada nang hinahanap ang diumano'y kayamanang ibinaon noon pang panahon ng mga Hapon - ang makasaysayang Yamashita Treasure. At nito lang Marso, isa na namang hukay ang natuklasan sa ilalim mismo ng Camp John Hay sa Baguio City na may kinalaman daw sa maalamat na kayamanan. Tinungo ito ni Bam Alegre para malaman kung talagang naririto nga ang Yamashita Treasure.

DUELO SA MAYNILA



Sa opisyal na pagsisimula ng campaign period para sa lokal na pamahalaan, mas lalong tumindi ang iringan ng magkatunggali sa pagka-alkalde sa Maynila - sina Manila Mayor Alfredo Lim at dating Pangulong Joseph Estrada. Sinundan ni Lala Roque ang kanilang kampanya para alamin ang kani-kanilang mga gimik at plataporma pati na rin ang saloobin nila sa isa't isa.

LIBRENG LIGO



Painit na nang painit ang temperatura sa bansa. Kaya ang ilan nating mga kababayan kanya kanya nang hanap ng libreng pagsu-swimmingan. Nilibot ni Steve Dailisan ang iba't ibang mga libreng paliguan sa siyudad pati na rin ang mga ilog na pwedeng paglubluban sa mga kalapit na probinsya.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!