ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Food truck dishes, titikman ng 'Pop Talk' ngayong Martes
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

POP TALK
FOOD TRUCKS
Airing Date: APRIL 09, 2013
Nag-level up na ang mga simpleng jollijeep karinderya na karaniwang nakikita sa Makati City. Ngayon ay lumilibot na sa Metro Manila ang FOOD TRUCKS na naglipana rin sa malalaking syudad tulad ng New York, San Francisco, at Los Angeles! Patok na patok ang mga ito ngayon sa mga Pinoy foodies kaya naman ‘eto na ang Pop Talk at magrerebyu.


Una sa listahan ang Hungry Rover. Kakaiba tiyak ang dining on wheels experience dito at ang mga lalantakang pagkain ay gourmet tulad ng angus beef tapa at pork liempo rolled in pita! Susubukan rin ang Chef Broosy na may authentic Japanese food. Last nang lalantakan ang walang kamatayang shawarma sandwiches at rice meals ng Shawarma Bros.

Kasama ni Tonipet Gaba na kikilatis sa food trucks ang Kapuso star na si Ynna Asistio, ang food blogger na si Azrael Colladilla, at ang mommy and make up artist na si CK Tabusares.
Sama na sa aming chibugan joyride at pagrerebyu ng FOOD TRUCKS ngayong Martes, 10 PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular