ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Dog meat trade' at 'Huling patak' sa Reporter's Notebook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER’S NOTEBOOK
Airing date: April 9, 2013
DOG MEAT TRADE
Ulat ni Jiggy Manicad
Siksikan sa maliliit na kulungan, hinang-hina at ang ilan ay tuluyan nang namatay. Ganito ang kalunus-lunos na kalagayan ng walumpu’t limang aso sa loob ng isang van na naharang ng Reporter’s Notebook kamakailan. Planong ibyahe ang mga aso patungong Baguio upang ibenta sa ilang restaurant doon sa halagang isang libo at limandaang piso bawat isa. Sa kabila ng pagkakaroon ng batas gaya ng Animal Welfare Act at Anti-Rabies Act na nagbabawal sa pagkatay at pagkain ng mga aso, patuloy pa ring nagaganap ang ilegal na kalakaran. Mula Batangas, Tarlac hanggang Baguio, tunghayan kung paano nagaganap ang bentahan ng karne ng aso.
HULING PATAK
Ulat ni Maki Pulido
Sa tala ng Department of Health o DOH, nasa 1.5 milyon ang bilang ng kabahayan sa bansa na walang mapagkunan ng malinis na tubig. Sa probinsya ng Abra, umaasa lamang ang mga residente sa mga hinukay na balon at bukal mula sa kabundukan. Upang matugunan ang kakulangan sa tubig, noong nakaraang 2010, inilunsad ng DOH sa Abra ang Water for Waterless Community Project. Layunin nitong mabigyan ng access sa malinis na tubig ang limampung barangay sa probinsya. Pero sa pagbisita ng Reporter’s Notebook sa ilang lugar na dapat ay nakinabang sa proyekto, kabaligtaran ang aming nadatnan. May ilang water system na nakatiwangwang at hindi kailanman napakinabangan. Ano nga ba ang nangyari sa proyekto?
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-9 ng Abril pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular