ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga labi ng OFW na nasawi sa Oman, naiuwi na sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumating na sa Ilolo airport nitong Martes ng umaga ang mga labi ng 49-anyos na Pinay domestic helper na si Felomina Delgado na namatay sa Oman.   Si Delgado ay tubong Bugasong, Antique. Hinihinalang atake sa puso ang dahilan ng kanyang pagkamatay.   Ayon sa kanyang anak na si Joefe Estriver, nito lamang Abril 3 ipinaalam sa kanila na namatay na ang kanilang ina.   Kuwento ni Estriver, bago ito namatay ay nakausap pa nila sa telepono at idinadaing ang masamang nararamdaman.   Napag-alaman na 16 na taon nang nagtatrabaho sa labas ng bansa si Delgado.   Una siyang namasukan sa Kuwait, at sumunod sa Dubai bago lumipat sa Oman.   Dahil dokumentadong OFW si Delgado, tiniyak ng opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration na may makukuhang benipisyo ang kanyang mga naulila tulad ng death and burial assistance at  pati na livelihood assistance. -- Joecel Huesca/FRJ, GMA News

Tags: ofws, iloilo