ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Katrina Halili, balik trabaho sa Indio matapos ang isang taong pahinga
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pagkatapos ng isang taong pamamahinga sa showbiz upang alagaan ang anak na si Baby Katrence, balik trabaho na ang aktres na si Katrina Halili. Sasabak ito bilang isang diwata sa GMA epicseryeng Indio.
Ayon sa aktres, "Ako 'yong Diwata ng Pagkaganid dito. So ayon, ako 'yong isa sa magpapahirap kay Indio at saka sa mga diwata na kakampi ni Indio."
Dahil balik trabaho na ang aktres, madalas nitong naiisip ang kanyang baby girl, kaya naman nagbigay ng payo ang kaibigan at kapwa mommy na si Jennylyn Mercado.
Wika pa ni Jennylyn, "Ang advice ko lang, huwag niyang dadalhin [si Katrence] sa mga location lalo na sa mga maraming mga puno kasi diba, hindi mo masasabi baka makagat ng lamok o anong insekto."
Dagdag pa nito, "At saka lalo na ngayong summer, ang daming virus talaga na kumakalat kaya ang hirap dalhin ang bata knug saan saan. Okay lang na maiwan sa bahay basta may maiwanan mong mapagkakatiwalaan."
Samantala, malaki na rin ang nabawas sa timbang ni Katrina at desidido na itong ibalik ang kanyang magandang pangangatawan katulad noong bago pa man dumating ang kanyang baby.
Aniya, "Disiplina talaga. Diet tapos exercise tapos 'yong mga sleeping machines. Hindi pwedeng isa lang, eh. Hindi porke diet papayat ka. Hindi na ako nagri-rice, four months na. Tapos walking everyday." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: katrinahalili, indio
More Videos
Most Popular