ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas, 'di mag-eendorso ng kandidato


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas na hindi ito mag-eendorso ng mga kandidato sa darating na mid-term election sa Mayo. Sinabi sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, na ang pahayag ay ginawa ni Villegas sa harap ng paglulunsad ng alyansa ng El Shaddai at iba pang Katolikong grupo na tinawag na White Vote Movement. Plano umano ng alyansa na mag-endorso ng hanggang walong kandidatong senador. Pero ayon kay Archbishop Villegas, hindi dapat ikinakampanya ng Simbahan ang mga kandidato. Sa halip, dapat umanong ipaalam sa mga Katoliko ang tamang pagboto na nakaangkla sa konsensiya at prinsipyo ng Simbahan "Block voting tayo, ito ang iboboto natin, mali 'yon," paliwanag ng arsobispo. "... dadalhin natin sa ating konsensiya at 'yon ang standard natin para sa pagpili ng kandidato, that's the Catholic vote, that's the correct Catholic vote," dagdag niya. --- FRJ, GMA News